62 pawikan pinakawalan sa Quezon
SARIAYA, Quezon, Philippines — Nasa 62 pawikan ang muling pinakawalan sa baybayin ng Tayabas Bay sa bayang ito, iniulat kahapon.
Pinangunahan ang pagpapakawala ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard Auxilliary, Bantay Dagat ng Sariaya, Sangguniang Barangay at Tanod ng Barangay Guisguis 2, Tanggol Kalikasan at mga residente ng nasabing bayan.
Tinatayang mahigit kumulang dalawang-libong (2,000) pa na pawikan ang inaaasahang mapipisa mula ngayong buwan ng Disyembre hanggang Marso ng 2025.
Ang mga pawikan ay kasama sa mga hayop na nanganganib na maubos kung kaya’t ito ay pinapangalagaan upang ‘di tuluyang mawala. Sila rin ang nagsisilbing tagalinis ng ating mga bahura at kumakain ng mga “coral sponges” upang mapanatili ang kalinisan ng mga naturang bahura.
- Latest