CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga, Philippines — Pinuri ni Representative Salvador Pleyto ng 6th District ng Bulacan si PBrig. Gen. Redrico Maranan, regional director ng Police Regional Office 3, dahil sa matagumpay na pamamahala nito na nagdulot ng katahimikan sa buong Central Luzon sa maikling panahon ng kanyang panunungkulan.
Ayon kay Rep. Pleyto, ang epektibong pamumuno ni RD Maranan ay nagbigay daan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon, na siyang naging pangunahing layunin ng kapulisan.
Sa ilalim ng peace and order operational framework ni Maranan, na nakasentro sa enhanced police presence, mabilis na response time, at counter-action laban sa mga drug groups, criminal gangs, at private armed groups, nakamit nito ang isang mas ligtas na rehiyon.
Pinuri rin ni Pleyto ang mga hakbangin ni RD Maranan na nagpalakas ng ugnayan ng PNP sa mga lokal na opisyal at mamamayan, na naging susi sa pagkamit ng katahimikan at kaayusan.
“Ang ating tagumpay ay hindi lamang sa pamamagitan ng operasyon, kundi sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng PNP, mga lokal na opisyal, at ang komunidad. Patuloy tayong magsusulong ng kapayapaan, seguridad, at malasakit upang matamo ang mas ligtas at maayos na Region 3,” pahayag naman ni Maranan.