^

Probinsiya

Tindahan ng paputok nasunog, 10 establisimyento nadamay

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang tindahan ng mga kwitis at paputok ang natupok at 10 pang kat­a­bing establisimyento ang nadamay nang sumiklab ang sunog sa palengke ng Barangay Nuro sa Upi, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Huwebes.

Umalingawngaw ang mga putok sa kapaligiran sanhi ng pagkasunog ng mga firecrackers sa isa sa 11 na tindahan na tinupok ng apoy.

Maagap namang napigilan ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection at mga emergency responders ng Upi local government unit at mga barangay officials ang pagkalat ng apoy sa palengke ng Barangay Nuro.

Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng BFP Upi Fire Station hinggil sa insidente.

Ayon naman sa mga barangay officials, sa tindahan ng mga kwitis at paputok nagsimula ang sunog at mabilis na kumalat sa mga kalapit na mga establisim­yento.

Sa direktiba ni Bangsamoro Social Services Minister Raissa Jajurie, agad na nagpaabot ng inisyal na ayuda para sa mga biktima ng sunog ang Ministry of Social Services and Development-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na isinagawa ng kanilang mga empleyado sa Upi.

BFP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with