^

Probinsiya

76 menor-de-edad arestado, 79 boga samsam sa Quezon ops

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Apat na araw bago sumapit ang pagsalubong sa Bagong Taon, pinaigting ng Que­zon Police Provincial Office (QPPO) ang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na paputok na nagresulta sa pagkakakumpiska ng nasa 79 na baril mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay QPPO director PCol. Ruben La­cuesta, ang nakumpiskang mga baril ay nagmula sa naarestong 76 na menor-de-edad at tatlo mula sa mga pasaway na obrero.

Kinumpiska ang nasabing mga boga at pinagmulta ang tatlong obrero habang ang 76 na menor-de-edad ay pinangaralan ng mga kawani ng DSWD batay sa nilalaman ng ipinatutupad na mga municipal ordinances.

Ayon kay Lacuesta, magpapatuloy ang crackdown sa mga ipinagbabawal na paputok hanggang sa Enero 1, 2025 upang maiwasan ang mga “firecrackers related injuries” sa lalawigan ng Quezon bago at pagkatapos ng pagsalubong sa Bagong Taon.

DSWD

QPPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with