P1.8 milyong shabu nakumpiska sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang tatlong hinihinalang tulak matapos umanong mahulihan ng P1,870,000.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Satur Ediong ang mga suspek na sina alyas Mamam; Radj, tubong Marawi, kapwa residente ng Brgy. Graceville; at Sonson ng Brgy. San Isidro.
Sa report na nakarating kay Police Regional Office 3 Regional Director PBGen. Redrico Maranan, ikinasa ang operasyon ng SJDM police station, alas-3:00 ng hapon nitong December 24 sa Brgy. Graceville.
Ayon sa report, nakumpiska sa operasyon ang nasa 275 grams na hinihinalang shabu na may standard drug price P1,870,000.00.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.
- Latest