Lady trader itinumba ng tandem

Sa ulat ng Police Regio­nal Office-Bangsa­moro Autonomous Region, nakatayo ang biktimang si Marissa Barrozo, sa tapat ng kanyang mga tindahan sa gilid ng highway sa Sitio Broce nang lapitan ng nakamotorsiklong mga suspek at ang­kas ay bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima na agad na nasawi.
File

COTABATO CITY, Philippines — Patay agad sa mga tama ng bala ang isang babaeng negosyante nang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki, kama­kalawa ng gabi sa Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa ulat ng Police Regio­nal Office-Bangsa­moro Autonomous Region, nakatayo ang biktimang si Marissa Barrozo, sa tapat ng kanyang mga tindahan sa gilid ng highway sa Sitio Broce nang lapitan ng nakamotorsiklong mga suspek at ang­kas ay bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima na agad na nasawi.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may kinalaman sa pagiging negosyante o pagiging purok lider nito ang motibo sa pagpatay.

Show comments