^

Probinsiya

Mga paputok at pyrotechnics total ban sa Bolinao

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon

BOLINAO, Pangasinan, Philippines — Total ban ang mga uri ng paputok at pyrotechnics sa bayang ito ngayong Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa executive order No.70 series of 2024 na pinirmahan ni Mayor Alfonso Celeste noong December 20 na pinoste ng disaster risk reduction and management council (DRRMC) social media page nitong linggo ay paiiralin ang total ban sa paggawa, pagbebenta, distribusyon at paggamit ng mga paputok at  pyrotechnic devices sa baying ito.

Si Celeste, na isang medical doctor, na ang kanyang kautusan na total ban ng firecrackers at pyrotechnic devices sa kanyang bayan ay para sa kaligtasan at kalusugan ng mamamayan.

Na ang order na nakasaad sa Republic Act 7183 na kilala sa “Firecracker Law” ay nagbabawal sa pagbebenta, distribusyon, paggawa at paggamit ng mga firecrackers at pyrotechnic devices sa bansa ay upang masigurong ang kaligtasan ng mamamayan.

Nakahadang kum­piskahin ang mga paputok ng PNP o BFP mula sa seller o users sa paglabag sa Executive Order.

FIRECRACKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with