2-araw bago ang Christmas Day Sunog sumiklab sa Cavite: 300 pamilya nawalan ng bahay

Na-wipe out ang nasa 100 kabahayan matapos na matupok sa malaking sunog na sumiklab sa magkakatabing residential area sa Imus City at Kawit sa Cavite, 2-araw bago ang Christmas Day.

CAVITE, Philippines — Magpa-Paskong mga walang tahanan ang may 300 pamilya makaraang matupok ang kani-kanilang mga bahay nang sumiklab ang malaking sunog sa magkakatabing lugar sa lungsod ng Imus at bayan ng Kawit, dito sa lalawigan, dalawang araw bago ang pagdiriwang ng Christmas Day.

Faulty wiring ang tinitingnang sanhi ng Bureau of Fire Protection sa pagsiklab ng sunog na nagsimula dakong alas-4:30 ng madaling araw kamakalawa at lumamon sa mga kabahayan sa may Brgy. Pag-asa 3, Imus City at sa katabing Brgy. Gahak at Marulas sa bayan ng Kawit. 

Sa inisyal na imbestigasyon ni FMaj. Joel A Elepante ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa 1st alarm ang naganap na sunog. 

Dahil sa magkakadikit na bahay at malakas na hangin, mabilis na kumalat ang apoy at ti­nupok ang aabot sa mahigit sa 100 kabahayan at mahigit sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan

Wala namang naiulat na namatay o malubhang nasugatan sa sunog na tumagal din ng may mahigit sa 2-oras bago ito tuluyang naapula.  

Show comments