^

Probinsiya

Bulkang Kanlaon, 4-beses nagbuga ng abo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na beses nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros na may tagal na 21 minuto hanggang apat na oras at 35-minutong haba batay sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Ayon sa Phivolcs, nagtala rin ang bulkan ng 25 volcanic earthquakes kabilang na ang apat na mahinang volcanic tre­mors at nagluwa ng 2,200 tonelada ng asupre.

Patuloy din ang degassing ng bulkan na may 1,200 metro ang taas na may minsang kasamang paglabas ng abo na nalipad sa may hilagang kanluran at sa bahaging kanluran nalulusaw.

Inflated din ang volcano edifice.

Bunga ng Intensified Unrest o Magmatic Unrest ng Mt. Kanlaon ay patuloy na ipinapayo ng Phivolcs ang paglikas ng mga tao sa mas ligtas na lugar mula sa 6-kilometer radius mula sa bunganga ng bulkan.

Bawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa posibleng explosive eruption,lava flow o effusion, ashfall, Pyroclastic Density Current (PDC at pagbagsak ng maiinit na bato gayundin ng lahar flow kung makakaranas ng pag-ulan doon.

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with