Islamic teacher sa Cotabato todas sa ambush!

COTABATO CITY, Philippines — Isang Islamic teacher ang patay matapos tambangan at pagbabarilin ng armadong kalalakihan sa Barangay Inug-ug sa Pikit, Cotabato nitong Miyerkules, eksaktong dalawang linggo pa lang mula nang napatay sa katulad na insidente sa naturang lugar ang kanyang dalawang estudyanteng lalaki.

Sa ulat nitong Huwebes ng mga opisyal ng Pikit Municipal Police Station at ng Cotabato Provincial Police Office, sakay ng kanyang motorsiklo si Yasser Mama Abdullah at pauwi na mula sa Noorul Eilm Academy, isang Islamic school sa naturang bayan, nang siya ay tambangan at paulanan ng bala ng mga armadog nakaabang sa Barangay Inug-ug na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ang madugong insidente ay naganap sa kung saan napatay rin sa ambush, dalawang linggo pa lang ang nakakalipas, ang kanyang mga estudyanteng sina Rafael Abu Indong at Muslimin Nanalong, kapwa Grade 11 student ng naturang paaralan.

Magkatuwang na inaalam ng mga imbestigador ng lokal na pulisya at ng mga opisyal ng 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army na may mga tropa sa Pikit at mga kalapit na mga bayan kung magkaugnay ang dalawang insidente ng pagpatay.

Show comments