Mayor sa Bulacan, 2 pa arestado sa rape!

Sa ulat ni NPD director PCol. Josefino Ligan kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director PBrig. Gen. Anthony Aberin, natunton nina PLt. Col. Alain Licdan ang mga akusadong sina Pandi Mayor Enrico Roque, 51; Councilor JonJon Roxas, 48, at Ruel Raymundo, 52, empleyado ng municipal government, sa Amana Waterpark Resort sa Brgy. Bagong Barrio, Pandi, Bulacan dakong ala-1 ng hapon ng Martes.

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang alkalde, konsehal, at kawani sa Pandi, Bulacan dahil sa dalawang bilang ng kasong panggagahasa, mahigit limang taon na ang nakalilipas sa Caloocan City, sa isinagawang pagsalakay sa isang resort sa nasabing lalawigan kahapon.

Sa ulat ni NPD director PCol. Josefino Ligan kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director PBrig. Gen. Anthony Aberin, natunton nina PLt. Col. Alain Licdan ang mga akusadong sina Pandi Mayor Enrico Roque, 51; Councilor JonJon Roxas, 48, at Ruel Raymundo, 52, empleyado ng municipal government, sa Amana Waterpark Resort sa Brgy. Bagong Barrio, Pandi, Bulacan dakong ala-1 ng hapon ng Martes.

Ayon kay Ligan, isinilbi ng kanyang mga tauhan, sa tulong ng Criminal Investigation and Detection Group-Northern District Forensic Unit (CIDG-NDFU), ang warrant of arrest na inilabas ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Rowena Violaga Alajandria ng Branch 121 para sa dalawang bilang na kasong rape sa ilalim ng Artile 266 ng Revised Penal Code na walang inirekomendang piyansa.

Batay sa rekord, inakusahan ng biktima ang tatlo ng panghahalay na naganap umano sa lungsod ng Caloocan noong Abril 6, 2019.

Sa 2-counts of rape, walang inilaang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.

Itinanggi ng tatlo ang akusasyon at naghain kaagad ang kanilang abogado ng mosyon na nagpapawalang bisa sa warrant of arrest at iginiit na gawa-gawa lamang ang akusasyon na may bahid pulitika.

Ayon kay Municipal Administrator Arman Concepcion, noong 2019 pa isinampa ang nasabing kaso subalit na-archive ito dahil sa hindi na sinipot ng complainant ang pagdinig sa korte dahil lumipat na ito ng tirahan at hindi na matagpuan. Halos limang taon na umanong naka-archive ang complaint kung kaya malinaw na pulitika aniya ang dahilan kung bakit binuhay muli ito.

Si Roque ay kandidatong muli sa 2025 elections bilang mayor ng bayan ng Pandi sa kanyang huling termino.

Show comments