^

Probinsiya

Libreng pag-aaral sa abogasya, alok sa Quezon Province

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Sa mga susunod na school year ay maaari nang makapag-aral nang libre ang mga kwalipikadong residente ng lalawigan ng Quezon na nagnanais kumuha ng kursong abogasya.

Ito ay matapos lu­magda kamakalawa sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa scholarship grant ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ni Governor Doktora Helen Tan at San Pablo Colleges, Inc. sa pamamagitan ni Atty. Vicente Joyas, Dean ng College of Law.

Nakapaloob sa ni­lagdaang kasunduan ang libreng matrikula, mga aklat at iba pang miscellaneous expenses ng sinumang magiging scholar para sa nasabing kurso.

Kaugnay nito, may mga pamantayan na kailangang mapanatili ng mag-aaral upang maging karapat-dapat sila sa naturang scholarship.

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with