Forced evacuation iniutos na sa Bulkang Kanlaon

Evacuees from Mananawin, La Castellana town in Negros Occidental, arrive and are assisted by coast guard, police, and social welfare personnel at the town’s evacuation center. This town is among the hardest hit by the recent Kanlaon Volcano eruption.
Aldo Banaynal

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ang mandatory o forced eva­cuation sa mga na­lalabi pang mga residente sa loob ng idineklarang 6-kilometer (km) radius permanent danger zone (PDZ) bunga ng patuloy na banta sa mapanganib na pagputok pa ng Kanlaon volcano sa Negros Island.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Regional Director at Task Force Kanlaon Chairman Raul Fernandez, ito’y matapos ang pagpupulong na kanilang isinagawa kasama ang mga local government units (LGUs) ng La Castellana, La Carlota City, Bago City at San Carlos City sa Negros Occidental gayundin sa Canlaon City, Negros Oriental.

Sinabi ni Fernandez na ang mga nalalabing pamilya ay inatasan na sumunod sa mandatory evacuation at kung hindi naman ay mapipilitan ang mga awtoridad na magsagawa ng forced evacuation sa mga residente ng mga barangay na nasa loob ng 6-km radius PDZ ng Bulkang Kanlaon hanggang nitong Nobyembre 16.

“This order is aimed at ensuring the safety and protection of families given the ongoing volcanic activity of Kanlaon and in anticipation for any possible re-eruption or worst-case scenario,” saad ng opisyal.

Sa panghuling tala ng OCD, nasa 10,784 pamilya o 43,970 katao mula sa 26 barangays sa Central at Western Visayas ang naapektuhan sa pagsabog ng Kanlaon volcano.

Sa nasabing bilang nasa 4,278 o 13,748 katao ang nanuluyan sa mga evacuation cen­ters habang nasa 2,365 namang indibidwal mula sa 694 pamilya ang nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Inihayag naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 10,000 pamilya ang nangangailangan ng agarang tulong mula sa gobyerno. Nasa mahigit P29 milyon na ng mga pagkain at non-food items ang naipamahagi sa mga apektadong populasyon.

Show comments