LUCENA CITY, Philippines — “Mga bata pa, pero matinik na.” Ganito inilarawan ng mga operatiba ng Lucena Police-Drug Enforcement Unit ang dalawang menor-de-edad na kanilang nalambat sa anti drug operation sa Purok 7, Barangay Dalahican, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay PLt. Col. Dennis De Guzman , chief of police dito, may ilang buwang sumailalim sa surveillance ang mga suspek na sina alyas Kim at alyas Justin, kapwa 17-anyos ,at nang nagpositibo ang impormasyon na sangkot ang mga ito sa iligal na gawain ay ikinasa ang buy-bust operation dakong alas-9:00 ng gabi.
Hindi na nakapalag ang mga suspek nang posasan siya ng isang police operative matapos na makabili ng suspected shabu na sa kabuuan ay tumitimbang ng 7.7 grams at nagkakahalaga ng P157, 080,00.
Nakuha din buhat sa mga suspek ang isang motorsiklo at isang P500 marked money.
Itinurn-over ni PCapt. Benito Nevera, chief ng LDEU ang mga suspek sa City DSWD-RAC.