Sanggol sa parcel itinapon sa bakanteng lote

Umaalingasaw na sa mabahong amoy ng ma­diskubre ng ilang residente ang kawawang sanggol dakong alas-7:30 ng gabi.
Image by Rainer Maiores from Pixabay

CAVITE, Philippines — Pinaniniwalaang biktima ng abortion ang isang bagong silang na sanggol na ibinalot sa parcel at itinapon sa bakanteng lote sa Brgy Sabang Naic Cavite, kamakalawa ng gabi.

Umaalingasaw na sa mabahong amoy ng ma­diskubre ng ilang residente ang kawawang sanggol dakong alas-7:30 ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang naggagawa umano ng kaniyang motorsiklo si alyas “Marc”, Food Panda rider, residente ng Brgy. Calubcob, Naic, Cavite, nang makalanghap umano siya ng masangsang na amoy sa ‘di kalayuan kung saan siya naka-park.

Hinanap umano nito ang pinanggagalingan ng amoy hanggang sa kanyang madiskubre ang isang nakabilog na parcel at nang buksan kanyang bukasan ay agad na tumambad ang kamay ng isang sanggol.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, tinatayang nasa 7–8-buwang gulang na fetus na ang nasabing beybi na halos agnas na rin kung kaya hindi pa mabatid ang kasarian nito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon at follow up ope­ration ang pulisya sa insidente at nakipag-coordinate na rin sila DSWD at SOCO.

Show comments