^

Probinsiya

POGO Hub sa Davao, sinalakay: 58 banyaga, 1 Pinoy naaresto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Davao (NBI-Region X1) ang isang warehouse na nasa loob ng 2-ektaryang compound, kung saan itinatago ang diumano’y iligal na Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO) hub, sa Panabo City, Davao del Norte, nitong Biyernes, Disyembre 13.

Gamit ang search warrant nang pasukin ang nasabing warehouse ng mga ope­ratiba ng NBI kaugnay sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, partikular sa umano’y operasyon ng  syndicated estafa at online illegal gambling, kung saan nasamsam ang mahigit 50 compu­ters na naka-set-up sa dalawang silid, sa loob ng warehouse.

Sinabi ni NBI-Region X1 Spokeperson Ely Leano na bubusisiin ang mga ebidensyang nasamsam upang makumpirma ang iligal na aktibidad sa nasabing warehouse.

Tulad ng iba pang POGO hub na sinalakay ng mga awtoridad, may sariling kitchen at dining room sa loob ng warehouse ang POGO ­workers, kung saan may mga tagaluto at nag-aasikaso sa pagkain nila.

Nakita din ang isa pang silid na hindi pa kumpletong natatapos para sa pagpapalawak ng POGO hub at mga materyales para sa konstruksyon.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with