Mag-ina, malubhang nasugatan sa ambush

COTABATO CITY, Philippines — Malubhang nasugatan ang mag-ina nang sila ay pagbabarilin sa naganap na ambush sa Barangay Napolan sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang mag-­inang nasugatan na sina  Lelita Salvador Quilang, 51 at anak na si Andre Ceazar Salvador ­Quilang, 23-anyos.

Sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang ma­g-ina at habang binabaybay ang madilim na bahagi ng isang kalye sa Barangay Napolan sa Pagadian City, Zamboanga del Sur nang sila ay pagbabarilin.

Agad na naisugod ng mga barangay emergency responders ang mag-ina sa isang ospital habang pinaghahanap na ang mga suspek.

Show comments