Hepe ng pulisya,tinanggal sa ‘one strike policy’
MANILA, Philippines — Isang chief of police ang pinalitan sa kanyang puwesto matapos ang nangyaring pagnanakaw sa bangko sa kanyang nasasakupan sa Barangay San Antonio, Los Baños City, noong Linggo ng umaga.
Si Lt. Col Mark Anthony Aningalan, Officer-in-charge ng Los Baños police station, ay administrative relieved dahil sa umiiral na PNP one strike policy sa bank robbery incident sa kanyang area of responsibility.
Pinalitan ni dating Cabuyao police chief, Lt. Col. John Eric Balahadia Antonio, si Aningalan bilang Officer-in-charge, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Iniulat na tinanggal din ni Balahadia sa kanyang puwesto noong Nobyembre dahil sa hindi malamang dahilan at umano’y overstaying at sa ilang insidente na nangyari sa kanyang nasasakupan.
Magugunita na noong nakalipas na Sabado ng umaga ay pinagnakawan ang isang sangay ng Producers Bank sa Los Baños City nang sirain ang automated teller machine ng bangko at ang sahig. Hindi pa matukoy ang halaga ng pera at mga gamit na nakuha.
- Latest