Babae inutas ng lover sa loob ng STL station!
CAVITE, Philippines — Dahil umano sa bawal na relasyon, patay ang isang misis na bet collector ng STL matapos barilin ng mismong kinakasama nito na isa ring STL collector sa loob mismo ng Gaming STL Station sa Tuy, Batangas.
Idineklarang dead-on-arrival sa Don Manuel Lopez Memorial Hospital sa Balayan, Batangas ang biktima na si Flor-
delita Ilaya Anchorez, bet collector, residente ng Tuy, Batangas, dahil sa tama ng bala sa ulo.
Tumakas naman ang suspek na si alyas “Edmon”, 35-anyos, may-asawa, tubo at residente ng Brgy. Mataywanac, Tuy, Batangas, matapos ang krimen,
Sa ulat ng Tuy Police, dakong alas-3:35 ng
hapon nang maganap ang krimen sa loob ng Refresh Gaming Corp STL station sa Brgy. Lunas, ng nasabing bayan kung saan kapwa nagtatrabaho rito ang biktima at lover na suspek bilang mga STL bet collectors.
Ayon sa mga nakasaksi, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima sa loob mismo ng STL station dahil sa kanilang sinasabing “illicit affair” hanggang sa mawalan ng kontrol sa sarili sa galit ang lalaki at agad na binaril sa ulo ang dyowa.
Pagkabulagta ng biktima, mabilis na tumakbo patakas ang suspek tangay ang ‘di pa malamang kalibre ng baril na ginamit sa krimen.
- Latest