^

Probinsiya

2 bagets nag-‘mariang-palad’ sa computer shop, pinost sa FB

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines - Tinutugis na ng mga awtoridad ang isang lady trader at isa pa na nag-post ng video sa Facebook ng dalawang binatilyo na gumawa ng kalaswaan sa loob ng computer shop sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Edna”, 25, may-asawa, negosyante at alyas Dagul 19, binata habang ang mga biktima ay itinago sa alyas “Anton”, 14, at alyas “Rico”, 13; kapwa ng Brgy. Gumaoc East.

Sa report ng SJDM Police, naganap alas-7:00 ng gabi nitong Dis­yembre 2 at alas-9:00 ng umaga kinabukasan ang umano’y pagma-masturbate o pagma-“mariang palad” ng dalawang bagets sa loob ng computer shop ni alyas Mal, na nakunan ng CCTV dahil sa posibleng pinanonood sa computer.

Imbes namang pangaralan ang dalawa o isumbong sa magulang ay ipinost ng mga suspek sa kanilang personal Facebook accounts ang aktuwal na video na nagmula sa CCTV footage.

Dahil dito, alas-11:00 ng umaga nitong Dis­yembre 5, nagsumbong ang kaanak ng dalawang menor-de-edad sa pulisya sa pagsasapubliko ng mga suspek sa malaswang video.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9995 (Anti-photo and Video Voyeurism) in relation to RA 7610.

CCTV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with