Water boy binoga sa ulo, tepok!

CAVITE, Philippines — Patay ang isang delivery boy ng tubig matapos barilin sa ulo ng tatlong hindi nakilalang lalaki habang naglalakad ang una patungong tindahan, kahapon ng madaling araw sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City.

Dead-on-the-spot ang biktima na  si John Michael Sinados alias “S4”, 28, water delivery boy,  ­­at residente ng La­tero Green valley, Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite.

Hindi naman na­kilala ang mga suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:40 ng madaling araw habang naglalakad ang biktima patungo sa tindahan sa NSGV Association sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City nang harangin siya ng tatlong lalaking suspek. Nag-usap pa umano sila hanggang sa magtalo at isa sa mga suspek ang bumunot ng baril saka malapitang pinaputukan sa ulo ang biktima na duguang bumulagta.

Sinisilip ng pulisya ang droga na posibleng motibo sa krimen.

Show comments