9 Dynasty Cares umayuda sa typhoon victims sa Cavite

MANILA, Philippines — Nagbigay ang 9 Dynasty Group ng P3-milyong halaga ng relief goods sa mga naging biktima ng bagyo noong nakaraang linggo sa Barangay Santa Isabel sa Kawit, Cavite.

Pinamunuan ni 9 Dynasty Group representative Derris Wong ang aktibidad ng nasabing grupo ng mga business individuals mula sa Asia na nagbibigay ng entertainment sa kontinente kasama ang Pilipinas.

“At 9 Dynasty, we believe that in times like these, being there for one another is what matters most,” sabi ni Derris sa kanyang speech.

“Typhoons are merciless. So, we, here at the 9 Dynasty Group through our 9 Dynasty Cares program has spearheaded the donation drive for the typhoon victims, ” dagdag nito.

Binigyan ng grupo ang halos 1,000 biktima ng bagyo sa Barangay Santa Isabel ng canned goods, bed sheets, noodles, rice at iba pa nilang kailangan.

Sinalanta ng bagyong Carina at ng Tropical Storm Kristine noong Oktubre ang nasabing probin­sya na nagdulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay.

Nag-organisa ang 9 Dynasty Group ng isang donation drive kung saan sila nagdala ng dalawang malalaking trak na naglalaman ng mga relief goods sa Kawit, Cavite.

Nakatuwang ng 9 Dynasty Group sa donation drive sina Santa Isabel Barangay Captain Avelino “Tamby” Fallago, secretary Josephine Memije at VAWC personnel Remie Santonil.

Show comments