2 motor nagsalpukan: 1 dedo, 2 sugatan
CAVITE, Philippines — Patay ang isang 33-anyos na rider habang dalawa pa ang sugatan sa naganap na salpukan ng dalawang motorsiklo kamakalawa sa kahabaan ng Arnaldo Highway at Mayor’s Drive, sa Barangay Santiago, Gen.Trias City.
Kinilala ang nasawi na si Heherson Suyat Pagaduan, 33-anyos, isang cook, at residente ng Tropical Village, Pabahay, Barangay San Francisco, Gen. Trias City, Cavite.
Kasalukuyan namang inoobserbahan sa pagamutan ang driver at angkas na nakasalpukan nito na kinilalang sina Alexander Solis, 63, carinderia owner, at Monaliza Semillano, 50, vendor; kapwa ng Brgy. Pasong Camachile 2, Gen. Trias City.
Sa ulat ng pulisya, alas-2:45 ng madaling araw habang bumabagtas ang Honda Click 125 motorcycle (806-NVT) lulan ang biktima, nang pagsapit sa intersection ng Arnaldo Highway, ay bigla itong sinalubong at sinalpok ng motorsiklong Skygo SG150R (329-DYO) na minamaneho ni Solis.
Sa lakas ng salpukan, kapwa tumilapon ang mga sakay ng dalawang motorsiklo at minalas na mapuruhan sa ulo si Pagaduan na idineklarang dead-on-arrival sa Gen. Trias Maternity and Pediatric Hospital.
- Latest