MANILA, Philippines — Nasabat ng mga pulis ang nasa 350 kahon ng sigarilyong gawa sa Indonesia na lulan ng isang truck sa isang checkpoint operation sa bayan ng Tigbao sa Zamboanga del Sur nitong Sabado.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Linggo ng Tigbao Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, tinatayang hindi bababa sa P20 milyon ang halaga ng mga smuggled na sigarilyong nasamsam sa naturang anti-smuggling operation.
Ihahatid sana sa mga negosyante sa Tigbao at mga kalapit na mga imported na sigarilyo ng masabat ng mga operatiba ng Tigbao Municipal Police na pinamumunuan ni Capt. Filadelfo Remolado Jr.
Nakatakda nang ipakustodiya ng pulisya sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang puslit na sigarilyo.