^

Probinsiya

PRO3 pinaplantsa na seguridad sa 2025 election, 939 baril nakumpiska

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
PRO3 pinaplantsa na seguridad sa 2025 election, 939 baril nakumpiska
Ang mga nakumpiskang iligal na baril ng Police Regional Office 3 habang iniinspeksyon ni PBGen. Redrico Maranan (kanan) sa Camp Olivas, Pampanga.
Omar Padilla

CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga, Philippines — Muling nagpulong ang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) na binubuo ng COMELEC, PNP, AFP at PCG nitong Huwebes, Nobyembre 28 upang patuloy na plantsahin ang mga detalye sa ipatutupad na seguridad para sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Sa nasabing pulong, inilatag ng PNP-PRO3, AFP at PCG ang kanilang paghahanda para sa halalan para matiyak sa publiko na magiging maayos, payapa at ligtas ang darating na halalan sa May 12 sa susunod na taon.

Samantala, nitong Oktubre ay sini­mulan na ng PRO3 sa pangunguna ni PBrig. Gen. Resrico Maranan, regional director ang puspusang pagpapatupad ng strategic planning na nakabase sa kanyang peace and order operational framework na Enhanced Police Pre­sence + Quick Response Time + Counter actions against drug groups, criminal gangs at private armed groups = Safe region 3 bilang bahagi ng pagsisikap ng kapulisan upang masigurong maging matagumpay ang papalapit na eleksyon. 

Iprinisinta rin ni Maranan sa RJSCC ang mga baril na nakumpiska sa iba’t ibang panig ng Gitnang Luzon simula Oktubre 1-Nobyembre 27, 2024 na umabot sa 939.

Sa 939 na mga iligal na armas, 924 ang short firearms at 15 naman ang light weapons. Nasa 298 sa mga ito ang nasamsam sa pamamagitan ng law enforcement operations tulad ng search warrant at checkpoint operations, 172 ang kusang isinuko ng mga may-ari at 469 ang nakuha sa Revitalized Katok.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with