Phivolcs: Minor phreatic eruption naitala sa Taal

MANILA, Philippines — Nagtala ng minor phreatic eruption ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas kahapon ng umaga, batay sa ulat ng  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, bandang alas-11:25 ng umaga nang magkaroon ng mahinang pagsa­bog sa Bulkang Taal na nagdulot ng pagluwa ng 1,200 metrong pu­ting plume mula sa bu­nganga ng bulkan.

Nagkaroon din ng 26 volcanic earthquakes sa Mt. Taal kabilang na ang isang volcanic tremor na may tagal na dalawang minuto.

Nagkaroon din ng malaking plumes na nasa 1,500 metro ang taas mula sa bulkan na nalusaw sa may timog kanlurang bahagi ng bulkan at pagluwa  ng nasa 6,307 tonelada ng asupre at  long-term deflation ng Taal Caldera .

Bunsod nito, ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa may Taal Volcano Island at paglipat ng anumang aircraft sa toktok ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Ang bulkang Taal ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 status na nangangahulugan ng pagiging abnormal ng kundisyon ng bulkan.

Show comments