Mag-asawa todas sa ambush

Kapwa namatay ang mag-asawa matapos na sila ay pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo ng mga hindi pa kilalang salarin naganap nitong Lunes ng gabi sa Santo Tomas, Davao del Norte.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Agad na namatay ang mag-asawa matapos na sila ay pagbabarilin sa naganap na ambush sa Santo Tomas, Davao del Norte nitong gabi ng Lunes.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Rafael Mirandilla at misis na si Cresensia na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa at pagsapit sa Purok 5, Barangay San Miguel, Santo Tomas nang sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang mga salarin at kung ano ang motibo sa pagpatay sa mag-asawa na ayon sa mga nakakakilala dito ay wala silang alam na may kaaway ang mga ito.

Show comments