13 undocumented Chinese naispatan sa Bataan
MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na 13 undocumented Chinese nationals at isang uniporme na kahawig ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang natagpuan sa isang dredger sa Mariveles, Bataan.
Nang sinubukan ng PCG na sumakay sa barko para sa pre-departure inspection upang makuha ang Master’s Declaration of Safe Departure (MDSD), tinanggihan ng ahente ang pagpasok na sinasabing maayos ang lahat ng kinakailangang dokumentasyon.
Dahil dito, nagpasya ang Coast Guard Substation sa Limay, Bataan na magsagawa ng mas detalyadong inspeksyon.
Nakikipagtulungan na ang PCG sa mga ahensya ng gobyerno upang imbestigahan ang pagkakaroon ng mga hindi dokumentadong Chinese national.
- Latest