MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nang malakas na paglindol na nasa 5.7 magnitude kahapon ng alas-5:58 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay naitala sa may 003 kilometro ng hilagang silangan ng Tarlac City.
Umaabot naman sa 199 kilometro ang lalim ng lupa nang naganap na paglindol at tectonic ang ugat ng pagyanig.
Dulot nito, nagtala ng instrumental intensities na Intensity 3 sa Bani, Pangasinan, Intensity 2 sa Santa Ignacia at Ramos sa Tarlac, Dagupan City, Masinloc at Botolan, Zambales; Olongapo City, Bontoc, Mountain Province, Vigan City, Ilocos Sur at Intensity I sa Tarlac City at Bamban tarlac, Guagua, Pampanga, Abucay at Dinalupihan, Bataan, Urdaneta City, Pangasinan, Nampicuan, Nueva Ecija; Santol, La Union, Bustos, Bulacan, Pasuquin, Ilocos Norte at Navotas City.
Ayon sa Phivolcs asahan na ang aftershocks kaugnay nang naganap na paglindol.