2 patay, bebot nasapol ng ligaw na bala!

Ayon kay PLt. Col. Alexis Oliver Nava, chief of police ng bayang ito, ang unang insidente ay nangyari dakong alas-5:30 ng hapon sa Barangay Masin Norte.

Pamamaril sa Quezon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay habang isang babae ang nasugatan sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa bayang ito kamakalawa.

Ayon kay PLt. Col. Alexis Oliver Nava, chief of police ng bayang ito, ang unang insidente ay nangyari dakong alas-5:30 ng hapon sa Barangay Masin Norte.

Bumibili lamang ng lechon manok sa isang stall ang livestock reseller na si Erickson Amol, 57-anyos, ng Barangay Bukal Sur nang lapitan mula sa likuran ng hindi nakikilalang lalaki na nakasuot ng kulay ­orange t-shirt at pantalong maong saka binaril siya ng dalawang beses sa ulo.

Patay agad ang biktima habang minalas na tamaan ng ligaw na bala sa hita ang vendor na si alyas “Merlinda” na ngayon ay ginagamot sa Peter Paul Medical Center.

Inatasan na ni Nava ang kanyang mga operatiba na tugisin at panagutin ang suspek.

Naglalakad naman sa barangay road ng Sitio Dapdapan, Barangay San Isidro si Alberto Braga, 38, nang patraydor na barilin sa ulo alas-7:50 ng umaga ng dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng itim na jacket saka tumakas patungo sa Eco-tourism Road sa Barangay Manggalang Bantilan, Sariaya, Quezon ang mga salarin.

Show comments