2 pang lanes ng SLEX sa Susana-Calamba, bubuksan

Ang dalawang karag­dagang lane sa southbound at northbound sides ay isang grade expansion na isinagawa ng San Miguel Unit at SLEX concession holder SMC SLEX Inc., na saklaw ang 29-kilometrong kahabaan ay nakatakdang magbukas sa ikatlong linggo ng Disyembre.
Businessworld / COMMONS.WIKIMEDIA.ORG

MANILA, Philippines — Bubuksan na sa mga motorista ang bagong 6X6 lanes configuration ng South Luzon Expressway (SLEX) mula Susana Heights, Muntinlupa hanggang Calamba, Laguna sa susunod na buwan.

Ang dalawang karag­dagang lane sa southbound at northbound sides ay isang grade expansion na isinagawa ng San Miguel Unit at SLEX concession holder SMC SLEX Inc., na saklaw ang 29-kilometrong kahabaan ay nakatakdang magbukas sa ikatlong linggo ng Disyembre.

Samantala, ang kons­truksyon sa seksyon mula Calamba hanggang Sto. Tomas, Batangas, gayundin ang pagpapalawak ng humigit-kumulang 20 tulay na nagdudugtong sa SLEX main carriageway, ay matatapos sa Hulyo 2025, ani San Miguel Corporation (SMC) chairman and CEO Ramon S. Ang.

Aniya, asahan ng mga kababayan sa pagdiriwang ng Pasko na sa kanilang paglalakbay kasama ang mga pamilya at kaibigan na mas malawak at pinahusay na SLEX na makababawas sa pagsisikip ng trapiko sa panahon ng holiday rush.

Ang SLEX expansion program ay nakikitang sumusuporta sa paglago ng Rehiyon 4A o Calabarzon, na binubuo ng humigit-kumulang 15% ng kabuuang Gross Domestic Product ng bansa.

Show comments