COTABATO CITY, Philippines — Hiniling ng isang malaking political bloc sa Mindanao sa House of Representatives at sa Senate na kung sakaling ma-postpone man ang 2025 Bangsamoro elections, dapat titiwalag na agad sa kanilang mga puwesto ang mga opisyal na nais kumandidato sa parlyamento ng rehiyon.
Sa isang opisyal na pahayag nitong Miyerkules, iminungkahi ng Bangsamoro Government Coalition o BGC, sa Kongreso na dapat ay ganun ang magiging patakaran ng napipintong kauna-unahang BARMM parliamentary elections alinsunod ito ng nakasaad sa batas.
Ang BGC ay isang maimpluwensyang grupo ng mga regional parties tulad ng-- Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo, Bangsamoro People’s Party at Al Ittihad-Ungaya sa Kwagib Nu Bangsamoro.
Iginiit ng BGC na malinaw ang naturang pambansang polisiya, ayon sa 1987 Constitution at sa Omnibus Election Code na ipinapatupad ng Commission on Elections.
Ayon sa BGC, nararapat lang na “resigned” na agad sa kani-kanilang mga puwesto ang mga kasapi ng BARMM parliament, may 80 na mga miyembro, na kakandidato sa mga puwesto sa Bangsamoro parliament na isasailalim sa elections, dahil ‘yun ang pinag-uutos ng batas.