^

Probinsiya

P74 milyong droga nakumpiska sa Gitnang Luzon

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasa P74,064,534.78 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Gitnang Luzon kabilang ang lalawigang ito.

Sa report ng Police Regional Office 3 (PRO3) nitong Nobyembre 27, ikinasa ang operasyon ng mga pulis sa iba’t ibang panig ng Gitnang Luzon kabilang ang Bulacan nitong Oktubre 1 hanggang Nobyembre 25.

Nabatid na aabot sa 910 na operasyon ang isinagawa ng mga pulis sa iba’t ibang panig ng rehiyon na may 1,365 indibiduwal ang naaresto.

Nakumpiska sa operasyon sa nabanggit na petsa ang 4,964 gramo ng shabu, 10,889 gramo ng marijuana at 26, 000 gramo ng kush na may kabuuang halaga na P74,064,534.78.

Kaugnay nito, nakumpiska rin ang 89 iba’t ibang uri ng mga baril sa mga operasyon ng pulisya sa naturang rehiyon.

Ayon kay PBGen. Redrico Maranan, Regional Director ng PRO3, “Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon ng ating kapulisan sa pagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan sa ating rehiyon.”

GITNANG LUZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with