Kampanya vs illegal mining sa Region 12, pinaigting

COTABATO CITY, Philippines —  Muling pinaigting ng pulisya at ng Department of Environment and Natural Resources-12 ang kanilang kampanya laban sa illegal small-scale gold mining ng ilang armadong grupo sa dalawang bayan sa Central Mindanao.

Sa ulat ng mga himpilan ng mga radyo sa mga lungsod sa Region 12 nitong umaga ng Lunes, ang pagpapalawig ng naturang operasyon ng Police Regional Office-12 at ng DENR-12 ay bunsod ng mga ulat ng mga local officials sa Tampakan, South Cotabato at sa Columbio, Sultan Kudarat hinggil sa mga illegal small-scale ­mining operations ng ilang grupo sa naturang magkatabing  bayan.

Ayon kay South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr., wala pang ginagawang large-scale mining gold at copper mining operations sa Tampakan na may pahintulot sa pamahalaan at ang tanging mayroon sa naturang bayan ay puro mga illegal na small-scale mining ope­rations na dapat ng masawata.

Ayon sa mga Blaan tribal leaders sa Tampakan at sa Columbio, kabilang sa kanila ang Blaan tribal representative sa Tampakan Sangguniang Bayan na si Dominggo Collado, suportado nila ang panibagong kampanya ng PRO-12, ng DENR-12, ni Tamayo at ng provincial government ng Sultan Kudarat laban sa small-scale illegal mining operations sa dalawang magkalapit na mga bayan.

Ayon kay Columbio Vice Mayor Bai Naila Mangelen Mamalinta, nagkaisa na sila ng mga leaders ng tribong Blaan na sakop ng kanilang local government unit na magkaisa at tulungan ang pulisya sa DENR-12 sa pagsugpo ng small-scale illegal gold mining sa kanilang bayan.

Ang mga bayan ng Tampakan at Columbio ay kilala sa pagkakaroon ng malalaking mga copper at gold deposits, ayon sa mga pag-aaral na ginawa ng mga geo­logists sa central office ng DENR at mga mining engineers sa Europe at Australia.

Show comments