Higit 10-libong kaso ng dengue naitala sa Cavite, 43 na patay

Base sa inilabas na data ng Provincial Health Office ng Cavite sa ilalim ni Dr. Nelson Soriano, simula ng Enero 1 hanggang nitong Nobyembre 22 ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng kasong Dengue.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Umabot sa mahigit 10-libong kaso ng dengue ang naitala sa lalawigang ito kung saan 43 sa kanila ang binawian ng buhay. 

Base sa inilabas na data ng Provincial Health Office ng Cavite sa ilalim ni Dr. Nelson Soriano, simula ng Enero 1 hanggang nitong Nobyembre 22 ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng kasong Dengue.

Umabot na ito sa may 10,119 na kaso at 43 na ang biktimang binawian ng buhay. Nasa 2,597 ang kumpirmado, 4,571 ang Probable Case at 2,951 ang suspected Case.

Pitong lungsod at 3 bayan ng lalawigan ng mga may kaso ng Dengue at habang isinisulat ang balitang ito, ang lungsod ng Imus ang may pinakamataas na kaso ng Dengue na may 1,532 kaso.

Sinundan ito ng lungsod ng Bacoor na may naitalang 1,500 na kaso, kasunod ay ang lungsod ng Gen. Trias na may 1,183 kaso, may kabuuang 1,101 kaso naman ang lungsod ng Dasmariñas, 904 ang lungsod ng Trece Martires, 847 ang bayan ng Tanza, 376 ang bayan ng Naic, 316 kaso ang Carmona, 282 sa bayan ng Rosario at 280 sa lungsod ng Tagaytay.

Karamihang nabiktima ng dengue ay mga kalalakihan habang pinakamarami naman ang mga bata.

Sunud-sunod na nagsagawa ng fogging operation ang mga alkalde ng bawat lugar sa tulong ng mga opisyal ng barangay.

Show comments