Dahil sa dengue outbreak
CAVITE, Philippines — Isinailalim sa state of calamity ang lungsod ng Dasmariñas dahil dengue outbreak.
Ito ay matapos ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa iba’t ibang barangay ng nasabing lungsod
Sa Facebook Page ni Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga, simula pa noong November 6, nakapagtala na ang lungsod ng 928 na kaso ng dengue na mas mataas kumpara sa 233 na kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa kabila nito, wala pang bilang na naiulat na mga namatay sanhi ng dengue subalit hanggang sa kasalukuyan ay maraming biktima ang mga naka-confine sa iba’t ibang pagamutan ng lungsod.
Isang panawagan ang ipinapaabot ni Mayor Barzaga sa kaniyang mga nasasakupan na maging mapanuri sa kapaligiran at pairalin ang kalinisin partikular na sa loob ng bawat tahanan upang makaiwas sa kagat ng lamok na nagdadala ng dengue virus.