COTABATO CITY, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng dalawang shabu dealers na nabilhan ng tatlong kilong shabu na umaabot sa P20.4 milyon ang halaga, sa isang entrapment operation ng magkasanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at mga pulis sa Barangay Tulay sa Jolo, Sulu nitong Biyernes.
Sa mga ulat nitong Sabado ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, naka-detine na ang dalawang shabu dealers, sina Sali Salim Tating and Sherwin Hapasain Talib, na nalambat sa naturang operasyon, naisagawa sa tulong ng tanggapan ni Sulu Gov. Abdusakur Tan, Sr.
Ayon kay Castro, agad na inaresto ang dalawang shabu dealers matapos silang magbenta ng P20.4 million na halaga ng shabu sa mga PDEA-BARMM agents at mga pulis sa Barangay Tulay sa Jolo, kabisera ng Sulu.
Ayon kay Castro, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang naka-detine na shabu dealers.