MANILA, Philippines — Dahil sa banta ng red tide, ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng shellfish products tulad ng tahong, halaan at talaba na mula sa anim na baybayin sa bansa.
Ito ay makaraang mapatunayan ng BFAR sa isinagawang water sampling sa mga baybayin ng Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, baybayin ng Tungawan, Zamboanga Sibugay Province, baybayin ng Daram Island sa Samar Zumarraga Island sa Samar, Irong-Irong Bay sa Samar Coastal waters ng Leyte na positbo sa lason ng red tide ang naturang coastal waters.
Ayon sa BFAR hindi ligtas kainin ang mga shellfish products mula sa nabanggit na baybayin.
Bukod sa shellfish products, bawal ding kainin ang alamang na mula sa naturang mga coastal waters.
Gayunman, ang isda, posit, hipon at alimango na mula sa naturang mga coastal waters ay ligtas kainin bastat linising mabuti bago lutuin.