^

Probinsiya

Kaliwa’t kanang brownout sa Bataan, perwisyo!

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MORONG, Bataan, Philippines — Perwisyo sa mga residente ang kaliwa’t kanang brownout matapos muli na namang maranasan ito ng mga residente sa ilan bayan ng lalawigang ito mula alas-5:30 ng umaga, kamakalawa.

Kabilang sa mga ba­yan na madalas mawalan ng supply ng kuryente ay ang Dinalupihan, Hermosa, Limay Orani, Pilar Samal, Abucay, Orion at ang pinakaapektado at kawawa ay ang mga ba­yan ng Bagac at Morong.

Sa panayam ng Pilipino Star Ngayon sa mga residenteng konsyumer, bukod pa sa madalas na brownout, patay sindi rin ang supply ng kuryente ng Penin­sula Electric Coo­perative Inc. (Penelco) na sanhi upang marami na sa kanilang mga applian­ces ang nasisira dahil sa “power surge”.

Ayon naman sa mga negosyante, perwisyo talaga sa kanilang mga negosyo ang halos araw-araw na nararanasang brownout kaya napipilitan silang magsara dahil sa power interruption.

Binatikos din ng mga residente ang mali-ma­ling anunsyo ng Penelco sa kanilang social media account kaugnay sa brownout scheduling dahilan upang lalong malito ang publiko. 

Ayon naman kay Engineer Felix Paguio, head ng sub-transmission line ng Penelco Inc., ipinaliwanag nito na walang epekto ang biglaang pagkakaroon ng supply ng kuryente sa reading ng mga metro upang tumaas ang kunsumo ng mga consumer

Aminado si Paguio na mas madalas ang power interruption sa bayan ng Bagac at Morong dahil na rin sa lokasyon ng kanilang mga tower at line exposure na nasa bulubunduking lugar at malapit sa dagat ng nasabing bayan.

ELECTRIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with