834 na barangay ang idineklara na ‘drug cleared’
MANILA, Philippines — Sa pamamagitan nang pinagsama-samang pagsisikap ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP ay naalis na umano sa 1,242 barangay ang 834 barangay sa lalawigan ng Quezon ay drug cleared na.
Binanggit sa datos ng pulisya, na umabot umano sa 176 ang bilang ng mga hindi apektadong barangay habang ang mga apektado ay umabot sa 1,066 barangay at 231 ang naiulat sa ilalim ng variseca stutes.
Nasa 19 na munisipalidad ang idineklara na ‘drug cleared habang 22 natitirang bayan ang iniulat na nasa proseso.
Ang mga munisipalidad ay ang Agdangan na may 12 barangay, Alabat (19), Burdeos (13), Dolores, (16), General Luna, (21), Jomalig, (5), Macalelon, (30), Pagbilao (27), Panukulan, (13), Patnanungan, (6), Perez, (14), Pitogo, (33), Plaridel, (9), Quezon, (24), Sampaloc, (14), San Andres, (7), San Antonio, (20), Tagkawayan, (45), at Tayabas, (66).
Ang drug-cleared barangay ay ang mga nauuri bilang dating apektado ng droga at sumailalim sa Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at idineklara bilang drug-cleared ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) at tumutukoy din sa isang hindi apektadong barangay na na-vetted at kinumpirma ng ROCBDC.
- Latest