MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na lubog pa rin sa baha ang Biñan at Santa Cruz sa Laguna matapos ang pananalasa ng mga bagyo sa bansa.
Ang Laguna ay kabilang sa mga lalawigang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo partikular na ang Severe Tropical Storm Kristine.
Ayon sa Laguna Lake Development Authority, ang malakas na pag-ulan din mula kay Kristine ay nagdulot ng mabilis na daloy ng tubig sa Laguna de Bay noong Oktubre.
Dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo, nagsasagawa naman na ng dredging activities ang local government units.