^

Probinsiya

Gun club member patay sa pamamaril

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang kasapi ng gun club na popular sa pagpapalaganap ng kaalaman sa responsableng pagmamay-ari ng mga lisensyadong baril ang napatay ng isang hinihinalang hired killer sa Barangay East Dadiangas sa General Santos City nitong gabi ng Miyerkules.

Sa hiwalay na ulat nitong Huwebes ng Ge­neral Santos City Police Office at ng Police Regional Office-12, pitong tama ng bala ang dahilan ng agarang pagkamatay ni Akmad Usman, residente ng hindi kalayuang bayan ng Malapatan sa Sarangani.

Ayon sa mga imbestigador ng lokal na pulisya at mga barangay officials, nakaupo si Usman sa labas ng bakuran ng kanyang kaibigan sa Ramos St., Barangay East Dadiangas nang lapitan ng isang lala­king sakay ng motorsiklo at binaril ng pitong beses na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

GENERAL SANTOS CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with