67-anyos lolo sinibak sa ulo, todas!
PIO DURAN, Albay, Philippines — Patay nang matagpuan habang naliligo sa sariling dugo ang isang 67-anyos na lolo na pinaniniwalaang tinaga sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa kanilang bahay sa Purok-3, Brgy.Tibabo, Pio Duran, Albay kamakalawa ng umaga.
Isang malalim na taga sa ulo ang ikinasawi ng biktima na kinilala lamang sa pangalang “Lolo Dante”, magsasaka at residente ng naturang barangay.
Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga, nagpunta sa bahay ng biktima ang isang kaanak nito upang humiram ng pangkudkod ng niyog (coconut scraper).
Gayunman, nagulat ang kaanak nang makita ang biktima na nakasubsob, duguan at patay na.
Mabilis na rumesponde ang mga kasapi ng Pio Duran Municipal Police Station sa lugar at patuloy na nag-iimbestiga upang malaman ang pagkakakilanlan at motibo ng salarin sa pamamaslang.
- Latest