Quarry site gumuho: 1 patay!

Base sa naantalang ulat na tinanggap ng Tagkawayan Police, kinilala ang nasawing biktima na si Ramil Hernandez, 48, may-asawa habang nagtamo ng mga bahagyang sugat sa katawan ang nakababata nitong kapatid na si Jerimie, 46 at ang kapitbahay nilang si alias “Joey”
STAR/File

TAGKAWAYAN, Quezon, Philippines — Isa ang patay habang dalawang iba pa ang nasugatan nang matabunan ng gumu­hong lupa sa quarry site sa Sitio Labak, Barangay Mapulot sa ba­yang ito, kamakailan. 

Base sa naantalang ulat na tinanggap ng Tagkawayan Police, kinilala ang nasawing biktima na si Ramil Hernandez, 48, may-asawa habang nagtamo ng mga bahagyang sugat sa katawan ang nakababata nitong kapatid na si Jerimie, 46 at ang kapitbahay nilang si alias “Joey”

Ayon sa pulisya naga­nap ang insidente noong Nobyembre 16, 2024 ganap na alas-10:00 ng umaga. 

Nasa quarrying site na may lalim na 30 talampakan umano ang mga biktima nang biglang gumuho ang lupa mula sa itaas at sila ay natabunan. 

Mabilis namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga trabahador sa quarrying site at naiahon ang mga biktima saka dinala sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival (DOA) si Ramil.

Show comments