Medical outreach team ng AFP inambus: 2 sundalo sugatan

The two members of the 45th Infantry Battalion wounded in an ambush in Al Barka, Basilan were immediately transported to a hospital by government emergency responders.
Photo courtesy of Philstar.com / John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Sugatan ang dalawang sundalo na kabilang sa medical outreach team ng 45th Infantry Battalion ng Philippine Army, nang tambangan ng armadong grupo sa Barangay Magcawa, Al Barka, Basilan nitong umaga ng Martes.

Kinumpirma bandang tanghali ng Martes ni Brig. Gen. Alvin Luzon, commander ng 101st Infantry Brigade, ang insidente na nagresulta sa pagkasugat ng dalawang kasapi ng 45th IB na kapwa hindi pa pinangalanan.

Ang dalawang sundalong sugatan sa naturang ambush ay kabilang sa grupong pauwi na sana sa kanilang kampo mula sa isang medical outreach mission sa isang lugar sa Al Barka ng sila ay paputukan ng mga armadong kalalakihan na nakapuwesto sa gilid ng highway sa Barangay Magcawa.

Ayon kay Luzon, nasa ligtas na ring kalagayan sa ospital ang dalawang sundalong nasugatan. 

Ayon naman kay Basilan Gov. Hadjiman Salliman, chairman ng provincial peace and order council, inatasan na niya ang municipal officials sa Al Barka at ang Basilan Provincial Police Office na magtulu­ngan sa pagkilala sa mga res­ponsable sa ambush upang masampahan mga kaukulang mga kaso sa korte.

Show comments