2 notoryus na tulak huli sa Bataan

Arrested stock photo.

CAMP OLIVAS, San Fernando City, Pampanga, Philippines — Sa patuloy na pagpapaigting ng Police Regional Office 3 sa kampanya laban sa iligal na droga, dalawang suspek na itinuturing na High Value Individuals (HVI) ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bataan nitong Nob. 18 at 19.

Nakumpiska sa dalawang operasyon ang nasa mahigit P1.7 mil­yong halaga ng shabu at isang baril.

Sa ulat kay PRO3 Director Redrico Maranan, alas-11:50 ng gabi ng Nob.18, ikinasa ang buy-bust ope­ration sa Brgy. Barangay Saint Francis 2, Limay, ng mga opera­tiba ng Limay Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU), at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region 3, na nag­resulta sa pagkakaaresto ni alyas “Mike,” 35, cellphone technician. Nakumpiska sa suspek ang 160 gramo ng shabu na may P1,088,000 halaga, isang caliber .38 revolver na may anim na bala, P7,000 marked money, isang pouch bag at isang Infinix cellphone.

Kasunod nito, nadakip din alas-12:59 ng madaling-araw, Nob. 19 si alyas “Boy,” 21, ng Barangay Saint Francis 2, Limay, Bataan, sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Bataan PPDEU, Orion Municipal Police Station, PIU, at 2nd PMFC sa Brgy Sabatan, Orion. Nakumpis­ka mula sa kanya ang isang plastic bag na may 100 gramo ng shabu na nasa P680,000 ang halaga.

Show comments