MANILA, Philippines — Isang criminology student ang wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanyang tinutuluyang boarding house sa Polinar Village, Purok-17, Hagkol, Valencia City, Bukidnon.
Sa inisyal na report ng Valencia City Police, kinilala ang biktima sa alyas na “Maymay” 24, 4th year graduating student at residente ng Malaybalay City.
Nakahandusay at may bula pa sa bibig ang biktima nang matagpuan ng kanyang landlord sa unit nito.
Ayon sa mga kaklase, pitong araw nang hindi pumapasok ang biktima sa mga klase nito.
Blangko pa rin ang mga otoridad, maging ang pamilya ng biktima sa dahilan ng pagkasawi ng biktima.