^

Probinsiya

Coed natagpuang patay sa boarding house

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang criminology student ang wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanyang tinutuluyang boarding house sa Polinar Village, Purok-17, Hagkol, Valencia City, Bukidnon.

Sa inisyal na report ng Valencia City Police, kinilala ang biktima sa alyas na “Maymay” 24, 4th year graduating student at residente ng Malaybalay City.

Nakahandusay at may bula pa sa bibig ang biktima nang matagpuan ng kanyang landlord sa unit nito.

Ayon sa mga kaklase, pitong araw nang hindi pumapasok ang biktima sa mga klase nito.

Blangko pa rin ang mga otoridad, maging ang pamilya ng biktima sa dahilan ng pagkasawi ng biktima.

MAYMAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with