37 Chinese construction workers sa Cotabato, inaresto
COTABATO CITY, Philippines — Inaresto ng National Bureau of Investigation-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang 37 Chinese na nagtatrabaho bilang construction workers sa isang multi-billion mall building project sa Cotabato City.
Sa ulat, sila ay inaresto noong Miyerkules habang nagtatrabaho sa ginagawang KCC Mall building sa sentro ng Cotabato City.
Ayon sa NBI-BARMM officials at Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director of the Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na ang mga Chinese construction workers ay inimbitahan upang suriin ang kanilang mga pasaporte at working permits mula sa Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.
Nabatid pa sa NBI-BARMM na 22 sa 37 Chinese construction workers ang may pasaporte at hindi marunong magsalita ng Ingles na sinusuri ngayon ng Bureau of Immigration officials.
- Latest