CAVITE, Philippines — Aabot sa mahigit kumulang sa P.2 milyong halaga ng mga pera, cellphones at iba pang mahahalagang gamit ang natangay matapos na pasukin ng mga hinihinalang miyembro ng “akyat bahay gang” ang kanyang bahay sa loob ng isang subdivision sa lungsod ng Imus, kamakalawa.
Batay sa ulat ng pulisya, alas-11:18 ng umaga nang akyatin ng mga miyembro ng mga di kilalang suspek ang bahay ng negosyanteng si alyas “Mylene” sa Zinias Brgy. Bayan Luma IX, Imus City, Cavite.
Nabatid na umalis ang biktima upang magpacheck-up sa Our Lady of Pillars nang sumalisi ang mga magnanakaw.
Lumabas na sinira ng mga suspek ang isang bintana ng bahay at dito dumaan papasok at palabas.
Natangay ng mga suspek ang tatlong laptop, isang cellphone na Galaxy Note 8, Smart watch galaxy, charger, P15,000.00 cash, gold necklace, earrings, P6,000 pang money safe, at wallet na naglalaman ng 200 dollars na may halagang P120,000.
Natangay rin ang license at iba’t ibang ATM’s ng biktima.